Pagsusuri ng Himagsik sa Florante at Laura


Daniel Lorenz Tamon
8-Busay




                Ang Florante at Laura ni Balagtas ay may apat na himagsik. Isa sa mga himagsik na ito ay ang Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan


                   Ang Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan ay ang agwat ng pagtula at pananagalog ni Balagtas sa mga manunula at mananagalog ng mga panahong iyon ay tunay na napakalaki at napakahirap maunawaan ang mga hangganan at saklaw. Lumitaw siya at napagitna ng panitikang Tagalog na nakatuon sa pananampalataya. Mahigpit ang sensura sa pamamahayag at maging sa panitikan kaya nakatuon na lamang sa pagsulat ng nga akda ukol sa relihiyon. 

                Ang himagsik na ito ay ang kabuuan nito ngunit pinatunayan din ni Francisco Baltazar na maaaring makasulat ng isang akdang pampanitikan na maglalahad ng kanyang mga paghihimagsik laban sa pamamalakad ng mga Kastila sa bayan.  May mga akda kasi na hindi maintindihan ng mga tao  dahil mahirap intindihin ito kaya gumawa siya nito para maaliw ang mga mambabasa at para maitindihan ng mga tao.
  

                  Ang Florante at Laura ni Balagtas ay isa sa mga naging insiprasyon ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng kanyang Noli Me Tangere. Ang linya ng Noli Me Tangere ay nakadetalye sa lipunan ng Pilipinas sa panahon ng kolonyal ng Espanya at nagtatampok ng aristokrasya sa likod ng kahirapan at pag-abuso sa mga kolonyalista kung kaya't may isang Aladin si Florante at may isa namang Elias si Ibarra.


                   














Comments

  1. Maganda kung paano pinaliwanag na ginawang kaaliw-aliw ni Balagtas ang Florante at Laura. Ganoon rin kung paano iniugnay ito sa nobela ni Rizal, at ang koneksyon ng mga tauhan dito.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog