Daniel Lorenz Tamon
Ano ang himagsik? Ang himagsik ay ang pag-aklas o paglaban sa isang bagay o gawain na labag sa paniniwala ng isang tao. Isa sa masamang kaugalian na nabangggit ni Balagatas sa "Florante at Laura" ay ang masaganang pagpapalayaw sa anak na hindi ginawa ni Duke Briseo kay Florante dahil pinadala niya sa Atenas ito para mag-aral at matuto kahit na mapalayo ito sa piling ng kanyang magulang. Ang pagkamainggitin ay isang masamang ugali na ipinamalas ni Konde Adolfo kay Florante ng mahigitan o masapawan siya nito sa paaralan nila sa Atenas. Dahil sa kabilisang matuto at angking katalinuhan nito, siya ay hinangaan at naging tanyag sa Atenas. Labis ang inggit o panibugho ni Adolfo dahil dati-rati siya ang sikat sa kanilang paaralan.
Sanggunian: https://www.slideshare.net/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas
Florante at Laura ni Francisco Baltazar (Binagong Edisyon) sa Paglalahad at Pakahulugan ni Alfredo S. Consulta
8-Busay
PAGSUSURI SA HIMAGSIK NI BALAGTAS SA FLORANTE AT LAURA
HIMAGSIK LABAN SA MALING KAUGALIAN
Nabanggit din ni Balagtas ang pang-aagaw ni Adolfo sa pag-ibig ni Laura para kay Florante. Nais niyang sapilitang pakasalan si Laura para maging kabiyak niya, agawin ang trono ni Haring Linseo at gantihan si Florante. Muntik mapatay ni Adolfo si Florante ng gumamit siya ng tunay na sundang sa kanilang pagtatanghal sa paaralan na hango sa buhay ni Reyna Yokasta. Sadyang mapaghiganti si Adolfo dahil hangarin niyang maagaw si Laura ay pinapatay niya si Haring Linseo at ang ama ni Florante na si Duke Briseo. Maraming aral ang mapupulot sa Florante at Laura na masusing inilarawan ni Balagtas at tayo'y dapat magpasalamat sa kanya sa kaniyang iniwang obra maestra!
Sanggunian: https://www.slideshare.net/lovebordamonte/apat-na-himagsik-ni-francisco-balagtas
Florante at Laura ni Francisco Baltazar (Binagong Edisyon) sa Paglalahad at Pakahulugan ni Alfredo S. Consulta
Comments
Post a Comment