Posts

Daniel Lorenz Tamon 8-Busay PAGSUSURI SA HIMAGSIK NI BALAGTAS SA FLORANTE AT LAURA HIMAGSIK LABAN SA MALING KAUGALIAN                         Ano ang himagsik? Ang himagsik ay ang pag-aklas o paglaban sa isang bagay o gawain na labag sa paniniwala ng isang tao. Isa sa  masamang kaugalian na nabangggit ni Balagatas sa "Florante at Laura" ay ang masaganang pagpapalayaw sa anak na hindi ginawa ni Duke Briseo kay Florante dahil pinadala niya sa Atenas ito para mag-aral at matuto kahit na mapalayo ito sa piling ng kanyang magulang. Ang pagkamainggitin ay isang masamang ugali na ipinamalas ni Konde Adolfo kay Florante ng mahigitan o masapawan siya nito sa paaralan nila sa Atenas. Dahil sa kabilisang matuto at angking katalinuhan nito, siya ay hinangaan at naging tanyag sa Atenas. Labis ang inggit o panibugho ni Adolfo dahil dati-rati siya ang sikat sa kanilang paaralan.             ...
Pagsusuri ng Himagsik sa Florante at Laura Daniel Lorenz Tamon 8-Busay                 Ang Florante at Laura ni Balagtas ay may apat na himagsik.  Isa sa mga himagsik na ito ay ang Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan .                     Ang  Himagsik  Laban sa Mababang Uri ng Panitikan ay  ang agwat ng pagtula at pananagalog ni Balagtas sa mga manunula at mananagalog ng mga panahong iyon ay tunay na napakalaki at napakahirap maunawaan ang mga hangganan at saklaw. Lumitaw siya at napagitna ng panitikang Tagalog na nakatuon sa pananampalataya. Mahigpit ang sensura sa pamamahayag at maging sa panitikan kaya nakatuon na lamang sa pagsulat ng nga akda ukol sa relihiyon.                  Ang himagsik na ito ay ang kabuuan nito n gunit pinatunayan din ni Francisco Baltazar na maaaring makasulat ng isang...